Sunday, November 24, 2024

HomeNewsAlexie Mae Brooks, kinatawan ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines 2024

Alexie Mae Brooks, kinatawan ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines 2024

“Abanse Babayi”, yan ang adbokasiya ni Miss Iloilo Universe 2024 Alexie Mae Brooks na ibig sabihin ay “Abante babae”. Ipinakilala siya bilang kasama sa 55 na kandidata ng Miss Universe Philippines (MUPH) sa kanilang press presentation nito lamang Linggo, ika-18 ng Pebrero 2024 at naging isa sa mga sentro ng pansin sa nasabing okasyon.

Si Brooks ay lumaki sa Leon, Iloilo na ngayo’y lalaban sa MUPH bilang kinatawan ng Iloilo City. Naging tagumpay para kay Alexie Mae Brooks ang makapasok sa hanay ng mga kandidata sa nasabing patimpalak. Isa itong patunay sa kanyang husay at kagandaha’t determinasyon ay hindi lamang sa kanyang bayan kundi maging sa buong bansa.

Ang MUPH ay hindi lamang isang pagsubok sa kagandahan at talino ng mga kalahok kundi isang pagkakataon rin upang ipakita ang kanilang kakayahan sa pagiging modelo at tagapagdala ng mensahe ng kagandahan at kahalagahan ng kababaihan.

Patuloy na magbibigay-suporta ang Lokal na pamahalaan ng Iloilo City kay Brooks sa bawat bahagi ng kompetisyon, at magsisilbing inspirasyon sa mga Ilonggo at ehemplo ng husay at karangalan.

Source: Radyo Pilipinas Iloilo

Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe