Itinanghal bilang Miss Eco International 2025 si Alexie Mae Caimoso Brooks, isang Ilongga beauty queen mula sa Leon, Iloilo, nito lamang ika-20 ng Abril 2025.
Ginanap ang prestihiyosong patimpalak sa Cairo, Egypt at buong pagmamalaking ipinakita ni Brooks ang kanyang kultura, talento, at talino sa buong mundo.
Tubong Leon, Iloilo si Brooks at pinalaki ng kanyang mahal na lola na si Lola Basing, na pumanaw noong Setyembre ng nakaraang taon.
Ipinakita ni Brooks ang kagandahan ng pagka-Pilipina sa pamamagitan ng mga pambato niyang kasuotan at adbokasiya na nakatuon sa kamalayang pangkalikasan at napapanatiling turismo.
Nagsilbi rin siyang inspirasyon sa mga kabataan, lalo na sa mga Ilongga na nangangarap ng tagumpay sa larangan ng pageantry.
Ang pagkapanalo ni Alexie Mae Brooks bilang Miss Eco International 2025 ay patunay ng husay at tatag ng komunidad ng Ilonggo sa pandaigdigang entablado.
Source: Bombo Radyo Iloilo FB Page