Sinabi ng bagong talagang Acting Mayor ng Cebu City noong Mayo 13, 2024, na pag-uukulan ng pansin ng kanyang administrasyon ang Palarong Pambansa sa darating na Hulyo ng taong ito.
Sa pagkatao ni Bise Alkalde na si Raymond Alvin Garcia, ang itinalaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang Acting Mayor simula Mayo 11, 2024. Sinabi ng Acting Mayor na siya mismo ang personal na tututok sa paghahanda para sa pambansang multi-event para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya.
Inaasahang higit sa 12,000 na atleta, mga coach, trainer, at opisyal ng paaralan ang dadalo.
Ang pagkakatalaga kay Vice Mayor Garcia ay kasunod ng paglalagay ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan suspensyon kay Mayor Michael Rama, na nag-ugat mula sa reklamo ng apat na empleyado ng City Hall na diumano nakatanggap ng sahod sa loob ng 10 buwan.
“I will be on top of the Palaro to make sure that preparation will be done properly,” ani Garcia sa mga reporter sa isang press conference sa Cebu City Hall Legislative Building kung saan siya nagtatrabaho.
Binigyang-diin niya na may mga pagbabago sa mga paghahanda na magaganap.
Siniguro ni Police Colonel Ireneo B Dalogdog, City Director, Cebu City Police Office ang mapayapa at maayos na pagpapatupad ng mga laro.
Sinabi din Police Colonel Dalogdog na nakahanda ang Cebu CPO na mag-deploy ng mga pulis ng tatlong beses na mas maraming bilang sa mga nagdaan Central Visayas Regional Athletic Association 2024 na nagtapos dito noong Mayo 9.
Ang Palarong Pambansa ay gaganapin mula Hulyo 6 hanggang 17.
Samantala, inatasan ng Acting Mayor ang bagong City Administrator, Atty. Christine Batucan, na agarang asikasuhin ang mga sahod ng apat na empleyado.
Diumano, ang nasabing apat na nagreklamo ay tinanggal sa kanilang mga puwesto at inilagay sa ibang departamento.
Source: PNA