Friday, November 7, 2025

HomeNewsDeath toll sa Negros Occidental dulot ni Bagyong Tino, umabot na sa...

Death toll sa Negros Occidental dulot ni Bagyong Tino, umabot na sa 13 katao

Kinumpirma ni Negros Occitental Governor Eugenio Jose Lacson na umabot na sa 13 ang nasawi habang 31 naman ang missing sa iba’t ibang bahagi ng Negros Occidenta matapos humagupit si Bagyong Tino sa Negros Island Region noong November 4, 2025.

Sinabi ni Gov Lacson na base sa inisyal na report. apat ang kumpirmadong nasawi sa bayan ng La Castellana, dalawa naman sa bayan Murcia, tatlo naman sa San Carlos City at Bago City, habang isa naman sa La Carlota.

Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga otoridad para sa 31 pang missing individuals sa nasabing lalawigan.

Sa ngayon, pinag-aralan pa ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental kung isasailalim ang buong lalawigan sa state of calamity hahang tiniyak nito na hindi titigil ang pag-assist ng provincial government sa lahat ng mga LGU lalo na sa usapin ng pondo para sa mga relief goods at iba pang mga disaster concerns.

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]