Mga awtoridad, nagbigay ng bulaklak bilang simbolo ng paglilingkod at pagmamahal sa komunidad

    0
    110

    Bilang pagdiriwang ng 30th Police Community Relations (PCR) Month, ang mga awtoridad sa Sagay City, Negros Occidental ay nagpaabot ng kakaibang sorpresa sa mga mamamayan nito lamanag ika-28 ng Hulyo 2025.

    Sa halip na karaniwang duty, ang kanilang mga Patrollers ay namahagi ng makukulay na sunflowers na mula mismo sa Bucalan Sunflower Farm ni Sagay CCPS Chief of Police PLTCOL Alvimar M Flores.

    Ang mga bulaklak na ito ay sinadyang ialay upang magbigay ngiti at pag-asa sa bawat makakatanggap.

    Ito ay isang simbolo ng malasakit ng mga awtoridad at layuning mas palakasin ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at mga tagapangalaga ng kapayapaan.

    Bukod sa pagtugon sa tawag ng tungkulin, pinatunayan ng mga awtoridad na kaya rin nilang maghatid ng simpleng ligaya sa puso ng mamamayan.

    Isa itong pagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyo na hindi lamang nakikita sa uniporme kundi sa mga gawaing may puso.

    Sa ganitong mga inisyatibo, mas napapalapit ang loob ng mamamayan sa mga awtoridad at mas lumalakas ang pagtutulungan tungo sa isang maayos at mapayapang komunidad.

    Source: NOCPPO SAGAYCPS FB PAGE