Crime Prevention Lecture, isinagawa sa La Castellana, Negros Occidental

0
83

Isang crime prevention lecture ang matagumpay na isinagawa ng mga awtoridad ng La Castellana Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ Melchor B. Patna-an, Officer-In-Charge ngayong ika-28 ng Hulyo, 2025 bilang bahagi ng General Orientation Program ng Colegio De La Castellana sa Negros, Occidental.

Sa pagtutulungan ng pamunuan ng paaralan at mga awtoridad, layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa batas, kaligtasan ng publiko, at mga hakbang laban sa krimen.

Tinalakay ng mga awtoridad ang mahahalagang paksa tulad ng mga elemento ng krimen, mahahalagang probisyon ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at ang tamang proseso sa pagkuha ng National Police Clearance.

Nagbigay rin siya ng mga praktikal na tips sa pag-iwas sa krimen at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbabantay at pagtutulungan ng komunidad.

Pinayuhan din nila ang mga estudyante ukol sa ligtas na pagmamaneho at ang mga legal na epekto ng pagmamaneho nang walang lisensya.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagsunod sa mga batas-trapiko ay hindi lamang tungkulin kundi isang paraan ng pag-aambag sa kapayapaan at kaayusan.

Patunay ito na ang mga alagad ng batas ay patuloy na nagsusulong ng edukasyon at kamalayang pangseguridad para sa kabutihan ng bawat mamamayan.

Source: NOCPPO LA CASTELLANA MPS FB PAGE