Mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 hapon, araw-araw na inilalatag ng mag-asawang Arnel at Jeny Salvacion nang Tuburan ang kanilang magagandang likhang oil painting sa sidewalk ng Hilagang Bahagi ng Catmon, Cebu.
Ang mga gawang sining ay kanilang ipinagbibili at nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php2,800 bawat isa.
Umaabot naman sa dalawa hanggang apat na painting ang karaniwang naibebenta ng mag-asawa sa bawat araw.
Ayon sa kanilang Facebook page, Arnel Salvacion Handmade Paintings, ang kanilang mga gawa ay kanila ring dinadala at ipinapakita sa bayan ng Sogod, na kung saan ay tumatanggap din sila ng customized orders.
Source: MyTVCebu