Saturday, May 10, 2025

HomeNewsMahigit 1,000 gunholders, nakinabang sa One-Stop Shop Caravan ng Cebu PNP

Mahigit 1,000 gunholders, nakinabang sa One-Stop Shop Caravan ng Cebu PNP

Mahigit 1,000 gunholders ang matagumpay na nakapag-renew ng kanilang mga lisensya sa baril sa isinagawang dalawang araw na One-Stop Shop Caravan ng Cebu City Police Office (CCPO) noong Mayo 6 at 7, 2025. 

Layunin ng aktibidad na ito na matulungan ang mga may expired na License to Own and Possess Firearms (LTOPF), lalo na ngayong papalapit na ang National at Local Elections sa Mayo 12.

Ayon kay Police Colonel Enrico Figueroa, Acting City Director ng CCPO, malaking tulong ang naturang caravan para sa mga gunholders na hindi pa nakakapagproseso ng kanilang renewal.

Batay sa datos mula sa Police Regional Office 7 (PRO-7), tinatayang nasa mahigit 4,000 pa ang mga gunholders sa rehiyon na hindi pa rin nakakapag-renew. Dahil dito, hinihikayat ng kapulisan ang mga may-ari ng armas na personal na dumulog sa Civil Security Unit 7 upang maisaayos ang kanilang mga dokumento.

Nagpaalala rin si PCol Figueroa sa mga indibidwal na patuloy pa ring hindi nakakasunod sa alituntunin ukol sa firearm licensing.

“Actually, this is their chance na i-renew ang kanilang mga baril then if not we will still remind them to renew their firearms and talagang wala parin ay magka-conduct tayo ng police operations against them,”pahayag ni Figueroa.

Samantala, kinumpirma ng CCPO na lahat ng mga kandidatong may hawak na armas sa Cebu City ay pawang nakapagrehistro na, kasunod ng serye ng paalala at panawagan ng pulisya sa mga nagdaang buwan hinggil sa tamang pagpaparehistro ng mga armas.

Tiniyak ng Philippine National Police na patuloy silang magpapatupad ng mga kaukulang hakbang upang masiguro ang mapayapa, maayos, at ligtas na eleksyon sa darating na Mayo 12.

Source: AYB / SunStar Cebu

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]