Wednesday, April 30, 2025

HomeUncategorizedPAGASA Visayas nagbabala sa matinding init ng panahon sa Central Visayas

PAGASA Visayas nagbabala sa matinding init ng panahon sa Central Visayas

Muling nanawagan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Visayas sa mga residente ng Central Visayas na mag-ingat sa gitna ng matinding init ng panahon na inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na araw, sa kabila ng inaasahang maaliwalas na panahon.

Ayon kay Janina Marte, weather specialist ng Pagasa Visayas, mananatili ang heat index sa pagitan ng 38 hanggang 40 degrees Celsius, na pasok sa kategoryang “extreme caution.”

“For heat index, we are still at 38 to 40 degrees Celsius, which is under the extreme caution category. For air temperature, it’s from 32 to 34 degrees Celsius,”pahayag ni Marte.

Dahil dito, hinimok niya ang publiko na bawasan ang mga aktibidad sa labas ng bahay, lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, kung kailan pinakamainit ang temperatura.

Kung hindi maiiwasang lumabas, pinapayuhan ang lahat na magsuot ng mga damit na may maliwanag na kulay, magdala ng payong o magsuot ng sombrero, at palaging uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.

Bagamat inaasahan ang pangkalahatang maaliwalas na panahon, nagbabala si Marte na may posibilidad pa rin ng mga panandaliang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa hapon o gabi.

Sa kasalukuyan, walang namo-monitor na low-pressure area (LPA) sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR). 

Gayunpaman, mahigpit na binabantayan ng Pagasa ang isang posibleng pagbuo ng tropical cyclone-like vortex sa may timog-silangang bahagi ng PAR.

Bagamat hindi pa ito isang ganap na tropical cyclone, ang nasabing sistema ay binabantayan para sa posibilidad ng pag-develop sa loob ng susunod na dalawang linggo. Ang tropical cyclone-like vortex ay tumutukoy sa atmospheric disturbance na kahalintulad ng bagyo ngunit hindi pa umaabot sa mga kinakailangang katangian upang matawag na tropical cyclone.

Samantala, sa buong bansa, 29 na lugar ang tinatayang makararanas ng peligroso o “danger level” na heat index ngayong weekend, ayon sa 5 a.m. bulletin ng Pagasa nitong Sabado, Abril 26. Sa Muñoz, Nueva Ecija, inaasahang aabot sa 45 degrees Celsius ang heat index.

Sa bahagi naman ng Visayas, ang Iloilo City at Roxas City ay inaasahang makakaranas ng heat index mula 42 hanggang 43 degrees Celsius.

Samantala, patuloy namang nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao ang intertropical convergence zone (ITCZ), habang makakaranas naman ng localized na pag-ulan ang Eastern Samar at Southern Leyte dulot ng easterlies.

Source: CDF/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]