Tuesday, April 29, 2025

HomePoliticsLimang lugar sa Cebu at Bohol, inirerekomendang isailalim sa Yellow Category 

Limang lugar sa Cebu at Bohol, inirerekomendang isailalim sa Yellow Category 

Limang lokal na pamahalaan sa Cebu at Bohol ang inirekomendang mailagay sa ilalim ng yellow category bunsod ng tumitinding tensyon sa politika, ilang buwan bago ang nakatakdang midterm elections sa Mayo 2025.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Mandaue City, at mga bayan ng Daanbantayan, Dalaguete, at Argao sa Cebu, pati na rin ang San Miguel sa Bohol.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Region 7 Director Francisco Pobe, ang yellow category ay ibinibigay sa mga lugar kung saan may naitalang banta, pananakot, o matinding tunggalian sa politika. 

Ibinunyag ni Pobe noong Biyernes, Abril 25, na natanggap na niya ang rekomendasyon mula sa mga local joint security control councils, na batay sa paunang pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nilinaw ni Pobe na ang pinal na desisyon ay iaapruba pa ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa kanilang pagpupulong sa Abril 28.

“I received a copy of the recommendation, but I have to confirm it with the RJSCC. We need to make an official report not only for our level but also for the central office in Manila for information and reference,” pahayag ni Pobe.

Ipinaliwanag din niya na dumaraan sa masusing beripikasyon sa probinsyal at rehiyonal na antas ang ganitong mga rekomendasyon. 

Ang RJSCC, na pinamumunuan ng Comelec at kinabibilangan ng PNP, AFP, at iba pang mga ahensya ng gobyerno, ang magtatasa kung kinakailangan nga bang baguhin ang security classification ng mga nasabing lugar.

Bukod sa yellow category, ginagamit din ng Comelec ang mga sumusunod na kategorya: green para sa mga lugar na maayos at mapayapa ang eleksiyon, orange para sa mga may presensiya ng armadong grupo o mga ilegal na kilusan, at red para sa mga lugar na may seryosong banta at kasaysayan ng karahasan tuwing halalan.

Dagdag pa ni Pobe, “Regardless of the color classification, there will still be heightened security measures. There will be increased police visibility and possible troop deployment to ensure the safety and security of the community,”

Ang security at deployment plans para sa Cebu at Bohol ay rerepasuhin at didiskusyunan din sa Abril 28 meeting, ayon kay Pobe. Kapag naaprubahan at naresolba ng RJSCC ang findings, magiging opisyal ang classification at isasagawa na ang mga kinakailangang hakbang sa seguridad.

Layunin ng yellow category alert ang mas mahigpit na pagmamanman at maagap na pagresponde sa mga lugar na may tensyon sa politika.

Sa Lungsod ng Mandaue, ang labanan para sa posisyon ng alkalde ay sa pagitan nina Jonas Cortes, Provincial Board Member Thadeo “Jonkie” Ouano, Gepind Requireme, at Joey Cortes.

Sa bayan ng Dalaguete, magtatapat sina Ronnie Cesante at Bembie Tambis para sa pagka-alkalde.

Sa Daanbantayan, ang mga kandidato sa pagka-alkalde ay sina Atty. Gilbert Arrabis at retiradong heneral ng pulisya na si Vic Loot.

posisyon ng alkalde sina General Gairanod at Allan Sesaldo.

Samantala, sa San Miguel, Bohol, magsasagupa para sa pagka-alkalde sina Faustino Bulaga at Ian Gil Mendez.

Ang final na listahan ng election areas of concern ay ibabatay sa masusing evaluation ng mga kinauukulang security forces.

Source: CAV/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]