Saturday, April 19, 2025

HomeNewsJob Order Employee sa Calape, timbog sa Buy-bust operation sa Tagbilaran City

Job Order Employee sa Calape, timbog sa Buy-bust operation sa Tagbilaran City

Tagbilaran City — Isang Job Order (JO) employee ng lokal na pamahalaan ng Calape, Bohol ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Tagbilaran City Police Station noong Sabado ng gabi, Abril 12, 2025.

Kinilala ang suspek bilang si Elwin “Wengweng” Paredes, 49 taong gulang, residente ng Purok 4, Barangay Calunasan sa bayan ng Calape. Nasakote siya dakong alas 7:03 ng gabi sa Purok 1, Barangay Manga, lungsod ng Tagbilaran.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel John Kareen Oliveros Escober, hepe ng Tagbilaran City Police Station, nakumpiska mula kay Paredes ang hinihinalang shabu na may bigat na 550 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,740,000. 

Dagdag pa ni Escober, bagong drug personality si Paredes base sa tatlong linggong isinagawang surveillance ng kanilang City Drug Enforcement Team.

Batay sa kanilang imbestigasyon, malawak umano ang operasyon ni Paredes sa pagbebenta ng ilegal na droga—umaabot ito sa buong Calape at kalapit na mga bayan patungong Tagbilaran.

Ang pagkakaaresto kay Paredes ay bahagi ng nagpapatuloy na kampanya ng kapulisan kontra droga sa ilalim ng programang “Oplan Limpyo Tagbilaran,” na naglalayong gawing mas ligtas at payapa ang lungsod.

“Kini nga kalampusan nagpakita nga seryoso ang kapulisan sa pagpakigbatok sa ilegal nga druga. Uban ang suporta sa atong LGU ug sa katawhan, padayon ang Oplan Limpyo Tagbilaran sa pagtukod og malinawon ug luwas nga siyudad,”ani Escober.

Samantala, may mga ibinunyag si Paredes sa isinagawang imbestigasyon na magsisilbing susi sa mga susunod pang operasyon ng pulisya.

Source: AYB/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]