Saturday, March 15, 2025

HomeNewsLalaki, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Carigara, Leyte

Lalaki, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Carigara, Leyte

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu bandang 7:30 nito lamang Marso 13, 2025 ng umaga sa Barangay Sagkahan, Carigara, Leyte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Mongking,” 39 na taong gulang, walang trabaho, at residente ng Barangay Baybay, Carigara, Leyte.

Nahuli ang suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad, kung saan narekober sa kanya ang limang pakete ng hinihinalang shabu.

Ang mga nakumpiskang pakete ng hinihinalang shabu ay minarkahan at inimbentaryo sa harap ng ilang mga saksi, alinsunod sa itinakdang batas.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Regional Forensic Unit 8 ang eksaktong bigat ng hinihinalang shabu. Patuloy din ang paghahanda ng mga kaukulang kaso laban sa suspek.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe