Himas rehas ang isang senior citizen matapos makuhanan ng Php10.2M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mantuyong, Mandaue City noong Marso 4, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ackoie”, 62 anyos, high value individual, residente ng Barangay Quiot Pardo, Cebu City.

Isinagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng City Intelligence Unit/City Drug Enforcement Unit, Mandaue City Police Office bandang 7:57 ng gabi na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng 6 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.5 kilo at may standard drug price na Php 10,200,000.00, isang belt bag, cellphone, at buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy naman na pinapaigting ng buong hanay ng Mandaue City Police Office ang kampanya kontra iligal na droga para sa pag-unlad at pagkamit ng isang maayos, ligtas at mapayapang Bagong Pilipinas.