Monday, March 10, 2025

HomeNewsProyektong Unity Road, inendorso sa RDC 8 ng Joint Task Force 8...

Proyektong Unity Road, inendorso sa RDC 8 ng Joint Task Force 8 – ELCAC sa Samar

Limang pangunahing proyekto ng kalsada sa probinsya ng Samar ang inendorso sa Regional Development Council (RDC) 8 sa isang pagpupulong ng Joint Task Force 8 – End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na ginanap sa probinsya nito lamang Marso 6, 2025.

Ang pag-endorso ng mga proyektong ito sa RDC-8 ay naglalayong makakuha ng pondo mula sa pambansang gobyerno sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

Pinangunahan ang pagpupulong ni Department of Education Secretary Edgardo “Sonny” Angara, kasama si Samar Governor Sharee Ann Tan, 8th Infantry Division Commander MGen Adonis Ariel Orio, PRO8 DRDA PBGen Salvador T Alacyang at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kasali sa Joint Task Force.

Ang mga kalsadang tinatawag na “unity roads” ay mag-uugnay sa tatlong probinsya sa Isla ng Samar. Kapag natapos, magdudulot ito ng mas mabilis na biyahe at transportasyon, lalo na sa panahon ng mga emergency.

Makakatulong din ang mga kalsadang ito sa paglutas ng mga problemang may kinalaman sa insurhensiya sa rehiyon.

Kasama sa mga inendorsong “unity roads” ay ang Matuguinao-Silvino Lobos Road, Matuguinao-Las Navas Road, Calbayog-Bobon Road, San Jose de Buan-Maslog Road, San Jose de Buan-Las Navas Road, Calbiga-Borongan Road

Pagkatapos ng pagpupulong, nagpahayag ng pasasalamat si Secretary Angara sa mga dumalo, lalo na sa mga lokal na pinuno sa probinsya ng Samar, at tiniyak na tutulungan niya sila sa pamamagitan ng paghihikayat sa pambansang gobyerno na magbigay ng pondo para sa mga mahahalagang proyektong inendorso ng mga opisyal ng rehiyon.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe