Sunday, March 9, 2025

HomeNewsLalaki, patay matapos makuryente sa Southern Leyte

Lalaki, patay matapos makuryente sa Southern Leyte

Patay ang isang lalaki matapos makuryente sa Purok Caimito, Barangay San Vicente, Malitbog, Southern Leyte, bandang 4:15 ng hapon noong Marso 4, 2025.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang “Dante,” 32 taong gulang na lalaki, isang welder, at residente ng Barangay Sto. Niño, Bontoc, Southern Leyte.

Ayon sa saksi na si alyas “Jun,” ang biktima ay nag-aayos ng pressure tank nang aksidente niyang mahawakan ang isang live extension wire, na nagresulta sa kanyang pagkakuryente.

Agad na dumating ang mga responder mula sa Malitbog Municipal Police Station (MPS) at dinala ang biktima sa rural health unit. Pagdating doon, agad na isinagawa ang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa biktima.

Subalit, idineklara siyang patay dahil sa fatal arrhythmia.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe