Matagumpay na isinagawa ng Bacolod City Comprehensive Program at ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Bacolod City sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at iba’t ibang sektor ng gobyerno at komunidad ang isang bloodletting activity na may temang “DUGO MO, KALUWASAN KO” sa Bacolod City Government Center main lobby nito lamang ika-3 ng Marso 2025.


Ang aktibidad ay naglalayong makalikom ng dugo upang matugunan ang pangangailangan ng mga ospital at pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsalin ng dugo dahil sa sakit, aksidente, o operasyon. Sa bawat bag ng dugo na naibigay, may isang buhay na nailigtas, isang pamilya ang nagkaroon ng bagong pag-asa.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng bloodletting activity ay nagpapakita na sa kabila ng mga hamon ng buhay, may mga taong handang mag-alay ng bahagi ng kanilang sarili para sa kapakanan ng iba.