Wednesday, February 26, 2025

HomeHealthMetro Pacific Water, nagsagawa ng Groundbreaking para sa Desalination Plant sa Iloilo...

Metro Pacific Water, nagsagawa ng Groundbreaking para sa Desalination Plant sa Iloilo City

ILOILO CITY – Pormal nang sinimulan ang konstruksyon ng P5.5-bilyong desalination plant sa Barangay Ingore, La Paz, Iloilo City ngayong ika-26 ng Pebrero, 2025 sa pangunguna ng Metro Pacific Water (MPW). 

Ang makasaysayang groundbreaking ceremony ay pinangunahan nina MPW President Andrew B. Pangilinan, MPIC Chairman Manny V. Pangilinan, SILG Jonvic Remulla, Iloilo City Mayor Jerry Treñas, at Gov. Arthur Defensor Jr. 

Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas matatag at malinis na suplay ng tubig sa lungsod, lalo na sa harap ng lumalaking pangangailangan ng mga residente at negosyo. 

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ang desalination plant ay magpapalit ng tubig-alat mula sa dagat patungo sa malinis na tubig-inumin, na magpapalakas sa suplay ng tubig sa syudad ng Iloilo.

Ang hakbang na ito ay patunay sa pangako ng MWP na magbigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyo sa tubig. 

Dagdag pa rito, sinabi ni MPIC Chairman Manny V. Pangilinan na ang kanilang grupo ay patuloy na magsusulong ng mga inisyatiba upang matugunan ang pangangailangan sa tubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Gov. Arthur Defensor Jr. sa suporta ng Metro Pacific Water at iba pang kasapi ng proyekto. 

Ang desalination plant ay hindi lamang magbibigay ng sapat na tubig sa mga Ilonggo kundi magsisilbing patunay rin ng dedikasyon ng pamahalaan ng Iloilo sa pagsulong ng mga makabagong solusyon para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Source: Panay News

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe