ILOILO CITY – Pinasinayaan ng SM City Iloilo ang Government Services Express, isang one-stop shop na nag-aalok ng mabilis at walang abalang pagproseso ng mga dokumentong pampamahalaan ngayong ika-26 ng Pebrero 2025.
Ang nasabing one-stop Shop ay matatagpuan sa SM City Iloilo, layunin ng sentro ng serbisyo na gawing mas madali ang pagbabayad at pagproseso ng mga dokumento mula sa iba’t ibang ahensya gaya ng PhilHealth, PHLPost, PNP, OWWA, DMW, BFP, at PESO.


Ayon sa Mall Manager ng SM City iloilo na si Engr. Gilbert Dominggo, ang bagong serbisyong ito ay nagdadala ng mas mabilis at episyenteng transaksyon para sa mga mamimili sa mall. “Fast, efficient, hassle-free,” aniya, habang binibigyang-diin ang kaginhawahang hatid ng proyekto.
Suportado ito ng pamahalaan ng Iloilo, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibang magpapadali sa buhay ng mga Ilonggo.
Source: Panay News