Tuesday, February 25, 2025

HomeNewsLalaki, timbog sa buy-bust operation ng Baclayon PNP

Lalaki, timbog sa buy-bust operation ng Baclayon PNP

Timbog ang isang high value individual matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa inilunsad na buy-bust operation ng pulisya sa Purok 3, Brgy. San Vicente, Baclayon, Bohol noong ika-23 ng Pebrero 2025.

Kinilala ni Police Captain Ariel Aspiras, Officer-in-Charge ng Baclayon Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office ang suspek na si alyas “Dansoy”, 38-anyos, residente ng Purok 6 Brgy. Totolan, Dauis, Bohol.

Nakuha mula sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa 14 gramo at may Standard Drug Price na Php 95,200.00, at buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng nasabing tanggapan ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa dito.

Patuloy ang pulisya sa mga operasyon upang masawata ang mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga para sa kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe