Saturday, February 22, 2025

HomeHealthConstruction ng Water Treatment Facility, masusing tugon sa problema ng masangsang na...

Construction ng Water Treatment Facility, masusing tugon sa problema ng masangsang na amoy sa Cebu City Jail

CEBU CITY – Magsasagawa ang pamahalaang lungsod ng Cebu ng konstruksiyon ng isang water treatment facility upang masolusyunan ang matagal nang problema sa masangsang na amoy mula sa hindi na-prosesong wastewater sa Cebu City Jail. Ang suliraning ito ay matagal nang idinadaing ng mga residente at ng mga nakapiit sa loob ng pasilidad.

Pinangunahan ni Mayor Raymond Alvin Garcia nitong Huwebes ang groundbreaking ceremony para sa PHP42-milyong proyekto na naglalayong linisin at iproseso ang wastewater mula sa Cebu City Jail, na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng Barangay Kalunasan.

“I hope the facility that we will be putting here could accommodate the volume of wastewater in the area… This is the beginning that Kalunasan will be odor-free,”pahayag ni Garcia bago ang opisyal na pagsisimula ng proyekto at capsule laying ceremony.

Mayroong 510 araw ang contractor upang tapusin ang nasabing proyekto.

Ayon kay Garcia, mahigit limang taon nang idinadaing ng mga residente ng Barangay Kalunasan, lalo na ng mga nakatira malapit sa kulungan, ang matinding amoy mula sa hindi na-prosesong wastewater.

Noong 2018, nakatanggap ang Cebu City Environment and Natural Resources Office ng mga reklamo mula sa mga residente tungkol sa patuloy na panghi at masamang amoy mula sa jail facility, na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga preso at mamamayan.

Nagpasalamat naman si Jail Chief Superintendent Neil R Avisado, Regional Director ng Cebu City Jail Bureau, sa pamahalaang lungsod sa pag-apruba ng proyekto.

“Proper wastewater management is crucial in ensuring their health, dignity, and humane living conditions. Overcrowding and limited resources often make sanitation a challenge. But with this facility, we can expect a cleaner surrounding, reduced health risks, and a more efficient sewerage system that will directly benefit both the PDLs (persons deprived of liberty) and the populace in this place,”ani Avisado sa kanyang talumpati.

Kasabay ng groundbreaking ceremony, ipinagkaloob din ng pamahalaang lungsod sa Cebu City Jail ang isang ambulansya na maaaring gamitin sa mga emergency na medikal ng mga preso.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, umaasa ang pamahalaang lungsod na matitiyak ang mas malinis at ligtas na kapaligiran hindi lamang para sa mga PDLs kundi pati na rin sa mga residente ng Barangay Kalunasan.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe