Friday, February 14, 2025

HomePoliticsCOMELEC 7, sinimulan ang pagtanggal ng Campaign materials sa Cebu

COMELEC 7, sinimulan ang pagtanggal ng Campaign materials sa Cebu

Muling pinaigting ng Commission on Elections (COMELEC) sa Metro Cebu ang pagtanggal ng mga campaign materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar kasabay ng opisyal na pagsisimula ng 90-day campaign period para sa mga national positions.

Ayon kay Comelec-7 Director Francisco Pobe, ito ay bahagi ng isang nationwide campaign upang linisin ang mga pampublikong pasilidad, national highways, at iba pang lugar na hindi kabilang sa common poster areas.

“Patuloy na babantayan at aalisin ang mga iligal na election materials sa buong panahon ng kampanya,” sabi ni Pobe.

Sa Mandaue City, katuwang ng Comelec ang Traffic Enforcement Agency of Mandaue, Mandaue City Police, at Department of Public Works and Highways sa clearing operations.

Samantala, nag-utos si Mayor Raymond Alvin Garcia sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na magsagawa rin ng sariling operasyon upang matiyak na matatanggal ang mga campaign materials na wala sa tamang lugar.

‘’There’s no exception. All materials should be removed if they are tacked or hung in trees that is not environment-friendly in utility posts and traffic signs,’’ ani Garcia.

Hinikayat din niya ang mga kapwa kandidato na boluntaryong alisin ang kanilang campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar upang maiwasan ang abala.

There’s no exception. All materials should be removed if they are tacked or hung in trees – that is not environment-friendly – in utility posts and traffic signs,’’ dagdag niya.

Hinihikayat ng Comelec ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na sumunod sa itinakdang common poster areas upang maiwasan ang anumang legal na usapin o posibleng parusa. Ang pagsunod sa tamang lugar ng pangangampanya ay isang hakbang patungo sa isang maayos, malinis, at patas na halalan.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe