Tuesday, February 11, 2025

HomeNewsLalaki, patay sa pamamaril sa Tabango, Leyte

Lalaki, patay sa pamamaril sa Tabango, Leyte

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Sitio Tambis Brgy. Poblacion Tabango, Leyte nito lamang ika-9 ng Pebrero 2025.

Kinilala ang biktima na si “Raul” 45 anyos, residente ng Brgy. Tabong Tabango, Leyte.

Sa nakuhang impormasyon, habang pauwi ang biktima sakay ang kanyang motorsiklo ay pinagbabaril ito ng hindi nakilalang suspek.

Tinamaan si Raul sa panga at sa dibdib na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Tumakas ang suspek patungo sa San Isidro, Leyte.

Inimbestigahan na ng pulisya ang nangyaring insidente at naglagay na sila ng mga checkpoint sa mga karatig istasyon ng pulisya upang magsagawa ng dragnet operation.

Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/16GXQtZUhY/

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe