Ang mga dating miyembro ng mga armadong grupo na benepisyaryo ng programang Saad nga Balay ay nakibahagi sa Automated Counting Machine (ACM) Demonstration at Roadshow na isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng San Jose de Buan, sa lalawigan ng Samar nito lamang Pebrero 5, 2024.
Ang demonstrasyon at roadshow na ito ay bahagi ng paghahanda ng COMELEC para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025. Sa pagkakataong ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga dating rebelde na gamitin ang kanilang karapatang bumoto para sa mga lider na kanilang pinaniniwalaang may kakayahang pamunuan ang lokal at pambansang pamahalaan.
Sa pamamagitan ng roadshow, nakuha at naintindihan ng mga kalahok kung paano gamitin ang ACM. Nagpasalamat ang mga dating rebelde sa pagkakataong ito na ibinigay sa kanila ng COMELEC at ng 87th Infantry Battalion, na nagpapakita ng mas malalim na pag-unawa, pagkakaisa, at nagdadala ng mas maliwanag na pag-asa para sa hinaharap.
Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/14nej8M4mk/