Patuloy ang pagsulong ng pagtatayo ng Tent City sa Himamaylan, kung saan 40 sa kabuuang 395 na planong tolda para sa mga pamilya ang naitayo na nito lamang ika- 30 ng Enero, 20525.
Ang mga toldang ito, na ipinagkaloob ng Office of the Civil Defence Central Office ay magsisilbing pansamantalang tirahan para sa mga pamilyang apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.
Patuloy ang pagsisikap upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga lumikas na pamilya.
Kasalukuyang isinasagawa ang paglalagay ng mga pasilidad para sa tubig, sanitasyon, at plumbing upang matiyak ang ligtas at malinis na kondisyon ng pamumuhay.
Kapag ganap nang natapos, handa nang magbigay ng maayos at ligtas na tirahan ang Tent City para sa mga evacuees, bilang bahagi ng pangmatagalang suporta sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Source: Panay News