Nagbigay ng katiyakan ang Office of the Civil Defense (OCD) nito lamang ika-16 ng Enero, 2025 na patuloy na magbibigay ang pamahalaang nasyonal ng suporta sa mga pangangailangan ng mga evacuees na nananatili sa evacuation centers dahil sa abnormal na aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Ngeros Occidental.
Sa pagbisita ni Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel F. Nepomuceno sa ilang local government units (LGUs) sa Negros Occidental at Negros Oriental, personal niyang kinausap ang mga evacuees upang ipabatid ang kahalagahan ng kanilang kaligtasan habang nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang bulkan.
Nagpasalamat si Nepomuceno sa mainit na pagtanggap ng mga evacuees sa kabila ng kanilang mahirap na sitwasyon.
Isa sa mga binisita ni Nepomuceno ang bayan ng La Carlota, kung saan kanilang ininspeksyon ang mga pasilidad na pansamantalang tinutuluyan ng 44 pamilyang evacuees.
Sa naturang pagbisita, nag-turnover din ang OCD ng karagdagang non-food items kay La Carlota City Mayor Rex Jalando-on bilang tulong para sa mga apektadong residente.
Patuloy na hinihikayat ng OCD ang publiko na manatiling kalmado ngunit alerto habang patuloy na binabantayan ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
SOURCE: RMN DYHB Bacolod FB Page