Monday, January 13, 2025

HomeNewsDSWD, nagbigay ng P8.9M na tulong pinansyal sa mga residente ng Canlaon...

DSWD, nagbigay ng P8.9M na tulong pinansyal sa mga residente ng Canlaon City

Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng PHP8.9 milyon na tulong-pinansyal sa 3,250 residente ng Canlaon City matapos ang pagputok ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 9.

Inihayag ni Shalaine Marie Lucero, regional director ng DSWD-7, na ang tulong ay ipinamahagi sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng halagang PHP2,000 hanggang PHP3,000 batay sa kanilang kalagayan.

Partikular na nabigyan ng PHP3,000 bawat isa ang 1,732 heads of families na nasa evacuation centers, habang PHP2,000 naman ang natanggap ng 818 indibidwal mula sa mga sektor na vulnerable, kabilang ang mga senior citizen, persons with disabilities, at indigenous peoples.

Samantala, 700 displaced residents na nanatili sa labas ng evacuation centers ay nakatanggap din ng PHP3,000. Ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay isinagawa ng mga social worker mula sa DSWD-7 na nakabase sa Cebu City.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DSWD na tumulong sa mga komunidad na naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe