Monday, November 25, 2024

HomeNews17 anyos na estudyante na idineklarang nawawala, natagpuang patay; Suspek, arestado

17 anyos na estudyante na idineklarang nawawala, natagpuang patay; Suspek, arestado

Nakakabigla ang sinapit ng 17-taong-gulang na estudyante na unang ideklarang nawawala at kalaunan ay natagpuang wala nang buhay, alas 4:10 ng hapon, noong Nobyembre 23, 2024, sa Brgy. Baras, Guiuan, Eastern Samar.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang alyas Marie, 17 taon, at residente ng Brgy. Salug, Guiuan, Eastern Samar. Samantala, ang suspek ay nakilala sa pangalang alyas Chris, 30-taong-gulang, isang laborer mula sa Brgy. 103, Palanog, Tacloban City, na pansamantalang naninirahan sa Guiuan.

Ayon sa mga ulat ng kapulisan, lumabas ang biktima mula sa kanilang bahay noong Nobyembre 21, alas 9:00 ng gabi upang manghiram ng costume para sa isang aktibidad sa kanilang paaralan, ngunit hindi na ito nakabalik. Nag-report agad ang mga magulang ng biktima sa kapulisan, kaya’t nagsagawa ng hot pursuit at search-and-rescue operations na nakatuok din sa posibleng kinaroroonan ng suspek.

Sa mga pagsisiyasat, natunton ang suspek sa Brgy. 103, Palanog, Tacloban City, at inaresto ng mga awtoridad mula sa Tacloban City Police Office at Guiuan Municipal Police Station. Sa mga tanong ng kapulisan, inamin ng suspek kung saan matatagpuan ang labi ng biktima, sa Quarry area ng Brgy. Baras, Guiuan, Eastern Samar.

Doon natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima. Isasailalim ang katawan sa post-mortem examination upang malaman ang sanhi ng pagkamatay. Ang suspek ay nakulong na ngayon at haharap sa mga kasong isasampa laban sa kanya.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe