Thursday, November 21, 2024

HomeNewsMahigit 36K Pamilya, apektado ng Super Bagyong Pepito sa Buong Eastern Visayas...

Mahigit 36K Pamilya, apektado ng Super Bagyong Pepito sa Buong Eastern Visayas – DSWD

Naitala ang 36,085 na pamilya sa buong rehiyon ng Eastern Visayas na apektado ng pananalasa ng Super Bagyong Pepito nitong nakaraang weekend.

Ayon sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas, ang bagyo ay naka-apekto sa 261 barangay sa buong rehiyon na nakaranas ng pagbaha dulot ng malalakas na hangin at malakas na pag-ulan na nagdulot ng bahagyang pagkasira ng mga tahanan at kabuhayan.

Ibinahagi rin ng ahensya na mayroong 101,298 family food packs at 36,470 non-food items na naka-standby upang magamit kung kinakailangan ng mga lokal na pamahalaan para sa karagdagang tulong.

Sa pinakahuling datos ng ahensya noong Nobyembre 17, 2024, mayroon pang 1,189 pamilya at 4,574 na tao na nananatili sa mga evacuation centers.

Tiniyak naman ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang koordinasyon at monitoring sa mga apektadong lugar upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayan nating naapektuhan.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe