Monday, November 18, 2024

HomeNewsMga Pasyente ng Arteche District Hospital, inilikas ng LGU

Mga Pasyente ng Arteche District Hospital, inilikas ng LGU

Hindi lamang ang mga residente na nakatira sa mga hazard-prone areas ang inilikas ng mga lokal na pamahalaan ng Arteche, kundi pati na rin ang mga pasyente ng Arteche District Hospital nito lamang ika-16 ng Nobyembre 2024.

Mula sa hospital, pansamantalang inilipat ng LGU ang mga pasyente kasama ang mga doktor at nars sa munisipyo at legislative building na mas malayo sa mga baybayin.

Bukod sa mga pasyente ng Arteche District Hospital, ang mga tauhan ng Rural Health Units (RHU) na naka-duty sa panahon ng bagyo ay ililipat din sa mga mas ligtas na lugar.

Ayon kay Mayor Roland Boie Evardone, isinagawa ito dahil delikado ang lokasyon ng Arteche District Hospital at ng mga Rural Health Unit kapag tumaas ang tubig at lumakas ang hangin.

Umabot sa 419 pamilya o 1,537 indibidwal ang inilipat ng LGU sa mga ligtas na lugar sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation. Tinulungan ng mga personnel mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Army ang LGU sa pagsasagawa ng evacuation.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe