Monday, November 18, 2024

HomeNewsMga magsasaka at mangingisda sa Bohol na naapektuhan ng El Niño, makakatanggap...

Mga magsasaka at mangingisda sa Bohol na naapektuhan ng El Niño, makakatanggap ng P6-M na tulong pinansyal

Ang mga miyembro ng sektor ng agrikultura sa Bohol na naapektuhan ng El Niño phenomenon nitong taon ay nakatanggap ng PHP6 milyon na tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) program.

Ayon kay Roman Dabalos, agricultural program coordinator ng Department of Agriculture (DA) sa Bohol, bawat isa sa 602 na benepisyaryo ay nakatanggap ng PHP10,000 sa distribusyon ng ayuda sa New Capitol Building sa Tagbilaran City.

Sinabi ni Dabalos na ang mga benepisyaryo ay mula sa iba’t ibang bayan: Balilihan na may 41 na beneficiaries; Sikatuna, 191; Duero, 113; Calape, 111; at Trinidad, 146.

Ipinaliwanag niya na layunin ng programa na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maka-recover mula sa mga hamong dulot ng El Niño, na nagdulot ng PHP29 milyon na pinsala sa sektor ng agrikultura sa Bohol.

Dagdag pa ni Dabalos, sa pamamagitan ng PAFF at iba pang suporta mula sa DA, umaasa ang ahensya na tataas ang produksyon ng mga benepisyaryo.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe