Sunday, November 24, 2024

HomeNewsEastern Visayas, nagpadala ng mga Responders upang tumulong sa mga biktima ng...

Eastern Visayas, nagpadala ng mga Responders upang tumulong sa mga biktima ng bagyo sa Bicol

Nag-deploy ang Eastern Visayas, ng 172 na responders, karamihan ay mga pulis, upang tumulong sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine (pangalan sa internasyonal: Trami) sa rehiyon ng Bicol nito lamang Huwebes ika-24 ng Oktubre 2024.

Sa kabuuang bilang, 150 ay mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), 16 mula sa Bureau of Fire Protection, at anim mula sa Philippine Coast Guard.

Ayon kay Brig. Gen. Jay Cumigad, Regional Director ng PNP Eastern Visayas, bilang miyembrong ahensya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nakatuon sila sa pagtulong sa panahon ng mga sakuna.

“Sa mga panahong ito, hindi natin dapat kalimutan ang magbigay ng tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan. Ang misyong ito ay naging posible sa suporta ng Office of Civil Defense (OCD), na ang pagbibigay ng mahahalagang resources ay nagsisiguro ng aming epektibong pagkilos,” sabi ni Cumigad sa seremonya ng pagpapadala sa Police Regional Office 8 .

Nag-mobilisa rin ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council ng apat na sasakyan, kabilang ang tatlong trak, isang bus, at isang pickup truck. Ito ay upang mapahusay ang mobility at operational efficiency ng mga tauhan sa buong operasyon.

Sinabi ni Lord Byron Torrecarion, Eastern Visayas Regional Director ng OCD, na ang deployment na ito, ilang oras pagkatapos ng pagbayo ng bagyo sa rehiyon ng Bicol, ay napakahalaga.

“Kami ang tanging reinforcement na inaasahan nila sa pagkakataong ito dahil maraming lugar sa Luzon ang naapektuhan din. Ang mga kaibigan natin mula sa Bicol ay tumulong 11 taon na ang nakalipas nang tumama ang Super Typhoon Yolanda. Ngayon, panahon na para ipakita natin na kasama natin sila,” sinabi ni Torrecarion sa mga responders.

Tiniyak ng PRO 8 sa publiko na ang mga operasyon ng seguridad sa buong Eastern Visayas ay nananatiling buo, na may sapat na tauhan na naka-deploy upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe