Inilabas ng PAGASA ang Yellow Warning Level sa ilang bahagi ng Western Visayas dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng hanging habagat.
Kabilang sa mga lugar na binabalaan ay ang Capiz, Iloilo, Antique, Aklan, Guimaras, at ilang bahagi ng Negros Occidental, kabilang ang mga lungsod at bayan ng Escalante, Toboso, Calatrava, San Carlos, Salvador Benedicto, Murcia, Bago, Moises Padilla, La Castellana, Pontevedra, Hinigaran, Isabela, La Carlota, Valladolid, San Enrique, Pulupandan, Bacolod, Talisay, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, at Sagay.
Ang Yellow Warning Level ay nagpapahiwatig ng posibleng pagbaha sa mga mababang lugar at dapat maging alerto ang mga residente, lalo na sa mga lugar na madalas bahain.
Pinapayuhan ang mga mamamayan na patuloy na subaybayan ang mga balita at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan.
SOURCE: RADYO PILIPINAS ILOILO
Panulat ni Justine