Monday, November 25, 2024

HomeNewsSchool in a Boat Project, inilunsad sa Estacia Iloilo 

School in a Boat Project, inilunsad sa Estacia Iloilo 

Lubos ang kasiyahan ng 12 batang mag-aaral sa Estancia matapos maturuan ng mga awtoridad ng good manners and right conduct sa ilalim ng School in a Boat Project na isinagawa sa Feeder Port, Estancia, Iloilo nito lamang ika-19 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing proyekto ay inisyatibo ng mga pulis na siyang tagapagbantay ng karagatan, na may layuning turuan ang mga kabataan, lalo na ang mga hindi nakakapasok sa paaralan, upang matutunan ang tamang asal at kahalagahan ng edukasyon. 

Sakay ng bangka, tinungo nila ang mga komunidad na nasa malalayong lugar upang masiguro na ang bawat bata ay mabigyan ng karampatang kaalaman.

Bukod sa mga aralin tungkol sa edukasyon, itinuro din ng kapulisan ang Bagong Pilipinas Hymn na nagpapakita ng importansiya ng pagpapalaganap ng nasyonalismo sa kabataan.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang sa oportunidad na ibinigay ng awtoridad sa kanilang mga anak upang makapag-aral at matutunan ang mga mahahalagang tuntunin na magpapaunlad sa kanilang kinabukasan.

Ang proyektong ito ay patunay ng dedikasyon ng mga tagapagpatupad ng batas hindi lamang sa pagbibigay ng seguridad, kundi pati narin sa pagtuturo ng mga makabuluhang programa para sa kabataan at komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe