Friday, November 22, 2024

HomeNewsLow Pressure Area, nagdadala ng ulan at pagkulog sa Visayas at Palawan

Low Pressure Area, nagdadala ng ulan at pagkulog sa Visayas at Palawan

Ngayong araw ng Lunes bandang alas 3:00 ng umaga, ika-7 ng Oktubre 2024, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang nasa 165 km Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan (12.3°N, 118.7°E).

Ang Palawan, kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro, ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa epekto ng LPA at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang buong Visayas naman ay makakaranas ng maulap hanggang makulimlim na panahon na may mga pabugso-bugsong pag-ulan at pagkulog na dulot din ng ITCZ.

Ang Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, ay makakaranas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula sa timog-kanluran patungong timog-silangan, na may mahina hanggang katamtamang pag-alon sa karagatan.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na sundin ang mga panuntunan para sa kaligtasan at manatiling alerto sa mga posibleng pagbabago sa panahon.

SOURCE: K5 NEWS FM ILOILO
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe