Saturday, November 23, 2024

HomeNewsP20.4M halaga ng shabu, nasabat ng Central Visayas PNP

P20.4M halaga ng shabu, nasabat ng Central Visayas PNP

Himas rehas ang isang high value individual na suspek matapos mahulihan ng P20.4M halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Central Visayas PNP sa J. Fortich Street, Banawa, Barangay Guadalupe, Cebu City, noong ika-28 ng Agosto 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang high value individual na suspek na si alyas “Dolan”, 37-anyos na kasalukuyang naninirahan sa Duterte Street, Banawa, Barangay Guadalupe, Cebu City.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 7:30 ng gabi ng ikinasa ng mga operatiba ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng tatlong plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 3000 gramo at standard drug price na Php20,400, 000.00, buy-bust money, at orange bag pack.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng RPDEU 7 at Philippine Drug Enforcement Agency 7.

Ang kapulisan ng Central Visayas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga iligal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.

SOURCE: PRO 7 SR

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe