Sunday, November 10, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPhp20-M na tulong ipinagkaloob sa mga dating rebelde sa Samar 

Php20-M na tulong ipinagkaloob sa mga dating rebelde sa Samar 

Ang pamahalaang panlalawigan ng Samar ay naglabas ng halos PHP20 milyon na tulong para sa mga dating rebelde bilang bahagi ng kanilang inisyatiba upang suportahan ang mga peacebuilding efforts ng pambansang pamahalaan. 

Sa isang talumpati nitong Miyerkules, Agosto 14,2024, sinabi ni Gobernador Sharee Ann Tan na sa nakaraang apat na taon, ang pamahalaang panlalawigan ay nakapagbigay na ng PHP14.4 milyon bilang pinansyal na tulong at PHP5.5 milyon na pondo para sa proyektong pabahay sa mga dating rebelde bilang bahagi ng kanilang reintegration program.

Ayon kay Tan, mula noong 2020, humigit-kumulang 873 dating rebelde ang nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng lokal na integration program. 

Naglabas din ang pamahalaang panlalawigan ng pondo sa mga lokal na pamahalaan bilang tulong para sa proyektong pabahay na inilaan para sa mga dating rebelde sa ilalim ng programang “Saad nga Balay” (ipinangakong bahay).

Ang mga benepisyaryo ng libreng pabahay ay mga sumukong rebelde mula sa mga bayan ng San Jose de Buan, Calbiga, at Matuguinao. Sampung bahay ang pinondohan ng pamahalaang panlalawigan sa San Jose de Buan at naipamahagi na sa mga benepisyaryo; sampu pang bahay ang kasalukuyang itinatayo sa Calbiga; at 30 bahay ang itatayo sa bayan ng Matuguinao.

Ang proyektong pabahay ay kinonseptuwalisa ng Philippine Army’s 801st Infantry Brigade upang masiguro na ang mga sumukong rebelde ay hindi na muling maimpluwensiyahan ng New People’s Army. 

“Ako ay nagpapasalamat ng lubos sa anim na batalyon at dalawang brigada sa ilalim ng 8th Infantry Division na pinamumunuan ni Major General Camilo Ligayo para sa lahat ng mga operasyon at suporta sa humanitaryo na kanilang ipinagkaloob sa mga tao ng Samar,” ani Tan.

Dagdag pa ni Tan, inaasahan nilang magtatapos na ang problema sa insurhensya sa Samar sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura na nag-uugnay sa mga bayan sa loob ng probinsya sa pambansang daan, kabilang ang mga kasalukuyang isinasagawang proyekto na nag-uugnay sa tatlong probinsya ng Samar Island. Kabilang dito ang mga daan ng Gandara-Pagsanghan, Sta. Rita-Talalora, Jipapad-Las Navas, Matuguinao-Las Navas, at Basey-Maydolong.

Panulat ni Cami

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe