Saturday, October 5, 2024

HomeNational NewsKate Raca: Ako mismo ay nag-oorganisa ng Kabataan para mag-NPA

Kate Raca: Ako mismo ay nag-oorganisa ng Kabataan para mag-NPA

Inamin ni Justine Kate Raca alyas Ka Rohan na siya mismo ay nag-oorganisa ng kabataan para mag-NPA sa press conference ng NTF-ELCAC noong Marso 28, 2022.

Aniya, ang bawat chapter ng Anakbayan, Alay Sining, League of Filipino Students ay kinakailangang may chapter ng KM sa loob.

Sinabi pa niya na may quota sa pagrerekluta ng KM at kapag ito’y narekrut na, kailangan mag-exposure sa mga yunit ng NPA.

Dagdag pa ni Ka Rohan, ang nasabing mga plano ng pagpapasampa ng kabataan sa NPA ay pinagpaplapanuhan at binanggit niya na sa kalagayan niya, kasama niya sa pagplaplano ang malalapit niyang kaibigan na sina Raoul Manuel at Sarah Elago.

Si Raoul Manuel ang kasalukuyang 1st nominee ng Kabataan Partylist habang si Sarah Elago naman ang kasalukuyang representante nito.

Si Justine Kate Raca ay isang mataas na opisyal ng NPA sa ilalim ng Bienvenido Vallever Command Palawan na sumuko sa Brgy. Kapitan ng Brgy Tinitian, Roxas, Palawan noong Disyembre 11, 2022 at nagpakustodiya sa 3rd Marine Brigade ng Western Command ng AFP para sa kanyang kaligtasan mula sa kamay ng mga dating kasamahan. ###

Video Credits RTVM and Presidential Communications

Panoorin ang iba pang mga dating rebelde na CPP NPA NDF sa kanilang testimonya:

READ VIA QR CODE

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe