Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesKalsadang magkokonekta sa tatlong Barangay sa Can-avid, Eastern Samar, itatayo

Kalsadang magkokonekta sa tatlong Barangay sa Can-avid, Eastern Samar, itatayo

Upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at mapabuti ang accessibility, isang kalsada na magkokonekta sa tatlong barangay sa Can-avid, Eastern Samar ang itatayo.

Noong Hulyo 31, 2024, ginanap ang groundbreaking ceremony para sa proyektong nagkakahalaga ng mahigit P96 milyon, na pinangunahan ni House Majority Floor Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan.

Ang proyekto ay pinondohan ng 4Ps partylist sa pamamagitan ng General Appropriations Act of 2024.

Ang 4.68-kilometrong kalsada ay magkokonekta sa Barangay Canteros, Guiboangan, at Jepaco sa lugar. Nagsimula ang konstruksyon noong Hunyo 7, 2024 at inaasahang matatapos sa Abril 2, 2025.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Congressman Libanan na ang proyekto ay magdadala ng malaking pagbabago at pag-unlad sa komunidad at mapapadali ang pagbiyahe sa mga nasabing lugar.

“Kapag konektado ang mga barangay, lalo na sa mga liblib na lugar, dumarami ang populasyon, lumalawak ang lupain, at tiyak na ito na ang direksyon ng ating probinsya ng Eastern Samar na makalabas sa 20 pinakamahirap na probinsya at maging progresibong probinsya,” sinabi ni Libanan sa mga residente sa lugar.

Ang mga naging susi sa pagpapatupad ng proyekto ay sina Eastern Samar Governor Ben Evardone, Vice Governor Maricar Sison-Goteesan, Board Member Byron Suyot, Board Member Jun Quelitano, DPWH Eastern Samar District Engineer Domcelio Natividad, Vice Mayor Wilfredo Busa, at iba pang mga opisyal.

Bukod sa proyektong kalsada, nagbigay din ang 4Ps partylist ng pinansyal na tulong sa mga residente ng lugar sa pamamagitan ng TUPAD program ng DOLE.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe