Friday, November 8, 2024

HomeNewsHepe ng Pambansang Pulisya, Nakidalamhati sa Pagkamatay ng Bayaning Pulis

Hepe ng Pambansang Pulisya, Nakidalamhati sa Pagkamatay ng Bayaning Pulis

Personal na bumisita at nakiramay ang hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rommel Francisco D Marbil, kasama si PRO7 Regional Director Police Brigadier General Anthony Aberin, upang magbigay ng kaniyang huling paggalang sa yumaong si Police Staff Sergeant Orvin Seth Lim Felicio sa Sacred Heart Chapel, V. Jakosalem St., Cogon, Ramos, Cebu City kahapon, Hulyo 31, 2024.

Si Police Staff Sergeant Felicio ay nabaril ng isang menor de edad noong Hulyo 27, 2024 sa P. Remedios Street, Barangay Banilad, Cebu City, matapos niyang sitahin ang binatilyo sa paglabag ng curfew na ordinansa ng lungsod.

Bilang pagkilala sa pambihirang mga gawa ng kabayanihan ni PSSg Felicio, siya ay pinarangalan ng PNP Heroism Medal (Medalya ng Kadakilaan) para sa pagtugon nang higit pa sa tawag ng tungkulin at pagpapakita ng pambihirang tapang sa gitna ng malaking panganib na kumitil sa kanyang buhay.

Ang mga matataas na opisyal ay nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya at nag-alok ng tulong pampinansyal. Ang karagdagang suportang pinansyal ay ipinaabot din ng iba pang institusyong kaagapay ng PNP tulad ng Public Safety Mutual Benefit Fund Inc. (PSMBFI), gayundin ang PRO7 Headquarters, Mandaue City Police Office (MCPO), at Police Station 5 ng MCPO.

Sa isang pahayag, tiniyak ni Police Brigadier General Aberin sa naiwang pamilya ni PSSg Felicio na sila ay pagkakalooban ng mga kinakailangang benepisyo.

“Lubos kaming nalulungkot sa hindi napapanahong pagkamatay ng isang dedikadong pulis na kahit sa hindi inaasahang pagkakataon, ay ginampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas. Ang kanyang dedikasyon sa kanyang tungkulin ay lubos na nakaaantig at kami ay kumukuha ng inspirasyon mula sa kanyang pinakamataas na sakripisyo. Ipagpapatuloy natin ang ating pagtupad sa tungkuling pangalagaan ang kapayapaan, taglay sa ating puso at isipan ang pagiging di-makasarili at sakripisyo ni PSSg Felicio,” pahayan ni PBGen Aberin.

Pambihirang katapangan ang ipinakita ni PSSg Felicio habang tinutulungan ang mga barangay tanod sa Mandaue City. Nakalulungkot, siya ay binaril ng isang armadong menor de edad na lumabag sa curfew. Ang kanyang sakripisyo ay nagpapakita ng pinakamataas na antas ng serbisyo at dedikasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng publiko.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe