Saturday, November 23, 2024

HomeNewsSenior Citizen na nagbebenta ng droga, nahuli sa Lapu-Lapu City

Senior Citizen na nagbebenta ng droga, nahuli sa Lapu-Lapu City

Cebu City- Sa isang operasyon ng mga awtoridad noong Lunes ng gabi, isang senior citizen mula sa Cebu City ang nahuli sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City. Nakumpiska mula sa 60-anyos na si “Greg” ng Sitio Ponce, Barangay Capitol Site ang 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php10.4 milyon at isang loose firearm.

Ang operasyon ay pinangunahan ng City Intelligence Unit at City Drug Enforcement Unit ng Lapu-Lapu City Police Office, na nakipagtulungan sa Regional Intelligence Division at Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas. Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon na ang suspek ay nakalista bilang high-value individual sa drug watchlist.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan habang sinusubaybayan ang on-site inventory ng mga nakumpiskang ebidensya. Ayon kay Chan, nakakagalit na may mga ilegal na aktibidad sa kanilang makasaysayang lungsod.

“He is a senior citizen, but he continues to engage in illegal drug business right here in our city. Thanks to our city intelligence unit for his arrest,” sabi ni Chan.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa holding facility ng Lapu-Lapu City Police Office habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong may kinalaman sa ilega na droga.

Ito ay patunay na walang sinuman, anuman ang kanilang edad o katayuan, ang makalulusot sa batas. Ang operasyon na ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng Philippine National Police (PNP) na nakatuon sa pag-aalis ng mga ilegal na gawain at pagtataguyod ng kaayusan tungo sa mas maunlad na Bagong Plipinas.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe