Friday, September 20, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPagbubukas ng Jalaur River Multipurpose Project Stage II: Bagong Pag-asa para sa...

Pagbubukas ng Jalaur River Multipurpose Project Stage II: Bagong Pag-asa para sa Magsasaka ng Iloilo

Iloilo- Higit-kumulang 25,000 magsasaka mula sa lalawigan ng Iloilo ang makikinabang sa bagong proyektong irigasyon, ang Jalaur River Multipurpose Project Stage II (JRMP II) na pormal na binuksan sa isinagawang inagurasyon na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  sa Brgy. Agcalaga Calinog, Iloilo noong ika-16 ng Hulyo 2024.

Ang nasabing proyekto ay itinuturing na pinakamalaking water reservoir project na naipatayo sa labas ng Luzon sa loob ng mahigit  40 taon.

Ayon kay PBBM, inaasahang mapapataas ng proyekto ang produksyon ng bigas ng rehiyon ng hanggang 160,000 metriko tonelada kada taon. 

Bukod dito, makakapagbigay din ang proyekto ng 6.6 megawatts ng hydroelectric power, na makakatulong sa pangangailangan ng kuryente ng lugar.

Ang JRMP II ay inaasahang magbibigay ng mas maayos at sapat na suplay ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa Iloilo na  magpapabuti sa ani ng mga magsasaka at makakabawas sa  kanilang mga suliranin sa panahon ng tagtuyot.

Patuloy ang Pangulo sa paglulunsad ng mga proyekto na magpapaunlad ng agrikultura at ekonomiya ng rehiyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe