Sa kanyang ikatlong pagbisita sa Antique, personal na nagdala si President Ferdinand Marcos Jr. ng tulong para sa mga residente sa probinsiya ng Antique nito lamang Huwebes, ika-27 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ng pangulo ang pamamahagi ng tulong na nagkakahalaga ng Php10,000.00 bawat benepisyaryo sa libu-libong magsasaka, mangingisda, at kanilang pamilya sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families.
Matatandaang ang Antique ang unang probinsya sa Panay na nagdeklara ng State of Calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Bukod sa financial assistance mula sa PAFFF, namahagi rin ng limang kilong bigas si House Speaker Martin Romualdez sa bawat benepisyaryo mula sa kanyang opisina.
Layunin ng tulong na ito ang magbigay ng suporta sa mga naapektuhan ng El Niño phenomenon.
Patuloy ang pagbisita ni President Marcos Jr. sa ibat’ ibang probinsya upang mas malalim na maunawaan ang kalagayan at pangangailangan ng mamamayan.
Source: Radyo Pilipinas Iloilo
Panulat ni Justine