Friday, November 22, 2024

HomeNewsBFAR, sinagip ang isang Dolphin na sugatan at na stranded sa baybayin...

BFAR, sinagip ang isang Dolphin na sugatan at na stranded sa baybayin ng Southern Leyte

Sinagip ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang isang dolphin na sugatan at na stranded sa dagat ng Barangay Padre Burgos City, Southern Leyte sa ganap na alas-9:30 ng umga nito lamang Hunyo 17, 2024.

Ayon sa BFAR, 2-2.3 metro ang haba ng dolphin at may bigat na 150 kilo. “Bagaman natagpuang buhay ang dolphin, ang fluke (buntot) nito ay ganap na naputol, na naglantad ng ilang laman nito,” ayon sa post ng BFAR. 

Nagtutulungan ang local marine mammal responders, PNP at LGU ng Padre Burgos para ligtas na magamot ang dolphin. 

Patuloy na sinusuri ang sitwasyon upang maipadala ito sa Ormoc Mammal Stranding Facility. 

Ang plano ay sumailalim sa pangmatagalang rehabilitasyon sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Ormoc at Philippine Marine Mammal Stranding Network.

Patuloy ang pagsisiyasat sa posibleng dahilan ng pagkaka-stranded ng mammal. 

“Hinihikayat ang mga netizens na direktang iulat ang mga katulad na nakita at na stranded sa kanilang Municipal Agriculture’s Office (MAO) o i-tap ang BFAR 8 para sa agarang aksyon,” panawagan ng BFAR.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe