Thursday, November 28, 2024

HomeNewsBayan ng Bontoc sa Southern Leyte, idineklarang rebel-free

Bayan ng Bontoc sa Southern Leyte, idineklarang rebel-free

Idineklara na malaya na sa mga banta ng New People’s Army (NPA) ang bayan ng Bontoc sa Southern Leyte na walang nakikita at walang aktibidad ng mga armadong rebelde sa lugar sa loob ng isang taon.

Sa pamamagitan ng resolusyon ng Municipal Peace and Order Council at ng Sangguniang Bayan, idineklara ang bayan noong Mayo 6, 2024 bilang Stable Internal Peace and Security Conditions, ani Brigadier General Noel Vestuir, Commander ng 802nd Brigade ng Philippine Army.

“Ang deklarasyon ay nagpapakita ng tunay na kapayapaang tinatamasa ng mga mamamayan ng Bontoc bilang resulta ng pagtutulungan sa mga yunit ng lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, ahensyang nagpapatupad ng batas, iba’t ibang sektor at mga mamamayan sa pagpapanatili ng mapayapa at maayos na komunidad,” sabi ni Vestuir sa isang pahayag nito lamang Martes.

Tampok ng deklarasyon ay ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding at Pledge of Commitment ng iba’t ibang stakeholder at ang sabay-sabay na pagpapalabas ng mga puting kalapati.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Bontoc Mayor Noel Alinsub ang lahat ng stakeholders na tumulong sa pagkamit ng mga kondisyon para sa deklarasyon ng kanilang bayan bilang may matatag na basehan ng kapayapaan at kundisyon ng seguridad.

“Hinihimok ko ang lahat na magtulungan para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa munisipalidad ng Bontoc. Ang lokal na pamahalaan, kasama ang pulisya, militar, iba pang ahensya o tanggapan ng gobyerno, iba’t ibang sektor ng lipunan ay patuloy na magtutulungan upang mapanatiling mapayapa at ligtas ang ating bayan,” ani alkalde sa seremonya sa gymnasium ng bayan.

Sa ilalim ng mga yugto ng normalisasyon ng Armed Forces of the Philippines, ang isang lalawigan ay binibigyan ng katayuang SIPS kung walang marahas na aktibidad ng terorista na isinagawa ng mga NPA sa loob ng hindi bababa sa isang taon.

Batay sa mga rekord ng militar, wala pang kalupitan na naitala sa Bontoc sa loob ng mahigit isang taon na.

Ang Bontoc ay isang bayan sa lalawigan ng Southern Leyte na may populasyon na 29,799 katao.

Patunay lamang na ang mga programa ng ating pamahalaan ay epektibo sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kaligtasan ng komunidad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.

Source: PNA

Panulat ni Dim

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe