Saturday, October 5, 2024

HomeNational NewsRobin Padilla: Mga Dating Rebelde na Sumuko, Patunay na Epektibo ang NTF...

Robin Padilla: Mga Dating Rebelde na Sumuko, Patunay na Epektibo ang NTF ELCAC

Ibinahagi ng aktor na si Robin Padilla sa kanyang interview sa SMNI sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy na epektibo ang NTF ELCAC.

Pinatutsadahan ng aktor ang isang senador na nagpanukala na kunin ang pondo ng NTF ELCAC at ibigay sa mga frontliners dahil ito daw ang mga bayani.

Aniya, maganda ang hangarin na bigyan ng tamang bayad ang mga frontliners. Subalit, tinanong nya raw ang nasabing senador kung sa tingin nito ay makakatulog ba ang frontliner na ang kinakain nito ay kinuha sa mga mahihirap na barangay? Marahil ay magkakaroon pa raw ng insomnia ang frontliner, sabi ni Robin.

Ibinunyag ng aktor na kaya nanggigigil ang mga senador sa NTF ELCAC kasi hindi dumadaan sa senado ang pondo ng Task Force at hindi nagiging bulnerable sa kurapsyon dahil diretso ito diumano sa mga mahihirap na barangay.

Dagdag pa ni Robin Padilla, dahil diretso ang pondo sa mga mahihirap, epektibo ang NTF ELCAC at ang mga sumurender na mga rebelde ang pinakamagandang pruweba ng epektibidad nito. ###

Video credits: SMNI, Laban Kasama ang Bayan

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe