Friday, November 8, 2024

HomeNewsPBBM nakipagpulong sa mga Pilipino sa Germany para sa kanilang proteksyon bilang...

PBBM nakipagpulong sa mga Pilipino sa Germany para sa kanilang proteksyon bilang mga OFWs

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kababayan nating Pilipino sa Germany na nagsisikap ang pamahalaan para matiyak na lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) ay tatratuhin ng may dignidad at respeto.

Si Pangulong Marcos, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang iba pa niyang delegasyon, ay nakipagpulong sa libu-libong Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa bansang Europa noong Martes ng gabi (Manila time) upang tapusin ang ikalawang araw ng kanyang tatlong araw na working visit sa Berlin. “We are working tirelessly to ensure that you are treated with the dignity and the respect that you deserve,” pahayag ng Pangulo sa kanyang pagkikita at pagbati sa mga Pilipino sa Berlin.

“Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at inisyatibo, sinisikap naming protektahan ang inyong mga karapatan, ang inyong kapakanan. Sinisikap naming matiyak ang inyong kalusugan at empowerment,” dagdag niya, na binanggit ang mga inisyatibo ng Department of Migrant Workers, tulad ng One Repatriation Command Center at 24/7 OFW helpline 1348.

Binanggit din niya ang reintegration program ng pamahalaan para sa mga nagbabalik na OFW at educational assistance para sa kanilang mga anak.

Dagdag pa ng Pangulo, Malaki ang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. “Hindi malilimutan ang mga naiambag ninyo sa ekonomiya ng Pilipinas sa paglipas ng mga taon. Bagong bayani (modern heroes) ang tawag namin sa inyo,” ani pa ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang remittances ng mga Pilipino sa ibang bansa ay naitalang mataas nung nakaraang taon na umabot sa USD33.5 bilyon.

Gayundin, sinabi ng Punong Ehekutibo na suportado ng Germany ang Pilipinas sa pagtiyak ng kaligtasan at kapayapaan sa South China Sea, at tiniyak sa mga OFW na hindi susuko ang pamahalaan sa pag-angkin nito sa mga pinag-aagawang teritoryo. “Nagkakaproblema po tayo ay may ibang bansa sinasabi ‘yung ating teritoryo ay kanila pala. Ngunit asahan ninyo hindi po tayo papayag dahil maliwanag na maliwanag naman na ito ay bahagi ng Pilipinas”.

Source: PNA

Photo Screengrab from RTVM

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe