Inaasahang itatayo ang 440-MW Solar Power Project sa lalawigan ng Isabela, bilang isa sa mga priority project ng kasalukuyang administrasyon sa taong 2025.
Iyan ay kasunod sa briefing na isinagawa ng mga opisyal ng San Ignacio Energy Resources Development Corp. (SIERDC) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nito lamang Pebrero 2024.
Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng Php18 billion at inaasahang makapagbigay ng 700 gigawatt-hours na elektrisidad kada taon, katumbas ng isang milyong kabahay na electricity consumption. Nakatakda naman itong sisimulan sa taong 2025 sa 400-hectare na agricultural land sa Ilagan City, Isabela.
Ang SIERDC ay bahagi ng Nextnorth Holdings Corp. (NHC), isang renewable energy (RE) developer sa bansa na nagsasagawa ng solar at hydro projects na may 480 MW potential energy capacity.
Katuwang naman ng SIERDC sa proyekto ang French Renewable Energy company na Total Eren.
Samantala tinataya namang nasa 2,200 manggagawa ang mabigyang trabaho sa pamamagitan ng nasabing solar project sa lalawigan.