Sunday, November 24, 2024

HomeNewsPhp5M halaga ng shabu nasamsam sa Negros Oriental

Php5M halaga ng shabu nasamsam sa Negros Oriental

Nasamsam ng mga awtoridad sa Negros Oriental ang halos Php5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa iba’t ibang anti-illegal drug operations simula Enero 1 ng taong ito.

Sa talaan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) ay lumabas na noong Pebrero 20, may kabuuang 721.1 gramo ng hinihinalang shabu sa buong lalawigan ang nakumpiska na nagkakahalaga ng Php4.9 milyon, sabi ng tagapagsalita ng NOPPO na si PLt Stephen Polinar.

Nasamsam ng mga pulisya sa parehong buwan ang kabuuang 105 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php12,600.

Dagdag pa niya, inaresto rin ng pulisya ang 87 katao dahil sa umano’y pagkakaroon o pagbebenta ng ilegal na droga.

Ang pinakahuling naaresto ay si alyas “Rey-Rey”, 34, ng Barangay Piapi, na nahuli sa buy-bust operation nitong Martes ng umaga sa kalapit na bayan ng Valencia at naitala bilang isang high Value Individual.

Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 38 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit Php258,000.

Samantala, sinabi ni Polinar na 37 barangay sa Negros Oriental ang nakatakdang ideklara bilang “drug-cleared” ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing.

Inaasahan ang deklarasyon sa unang quarter ng taong ito, aniya, at idinagdag na walo pang barangay ang inirekomenda sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa beripikasyon.

Mahigit 200 sa 557 barangay sa Negros Oriental ang idineklarang drug free noong 2023, ani Polinar.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na kinakailangan ng Whole-of-the-Nation Approach upang matiyak na ang bansa ay makawala sa paglaganap ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pag-iwas, paggamot, rehabilitasyon, at pagpapatupad ng batas.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1219204

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe