Saturday, November 23, 2024

HomeNews700 reams ng puslit na sigarilyo, nasabat!

700 reams ng puslit na sigarilyo, nasabat!

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hindi bababa sa 700 reams na walang kaukulang dokumento sa Santa Clara Port, Allen, Northern Samar nitong Martes, Pebrero 20, 2024.

Sa nakuhang impormasyon noong Miyerkules, sinabi ng PCG na ang mga tauhan ng Coast Guard Intelligence Group at Coast Guard Working Dog Narcotics Detection Dogs sa Eastern Visayas ay nagsasagawa ng routing inspection noong Martes nang matuklasan nila ang mga kontrabando na sakay sa isang closed six-wheel aluminum van.

Ayon sa PCG, ang van ay minamaneho ni Argie Labrador, 27, residente ng Pasig City, na nagmula sa Zamboanga City at para ipadala sa Oas, Albay.

“The PCG team requested the driver to open the boxes with his permission and found that they contained an undetermined number of cigarette packs with no pertinent documents,” sinabi ng PCG Northern Samar sa isang pahayag.

Ang kontrabando ay binubuo ng 400 reams ng Black Hawk Platinum Cigarettes, 200 reams ng Platinum Cigarettes, at 100 reams ng Canon Menthol Cigarettes. Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang halaga ng mga hindi dokumentadong sigarilyo.

Hindi tumitigil ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas sa mga operasyon na nauugnay sa mga taong sangkot sa iba’t ibang uri ng kriminalidad upang wakasan ang lahat ng ilegal na aktibidad sa ating bansa.

Panulat ni Sheba

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe