Thursday, November 7, 2024

HomeNewsCommunity Campus Caravan, isinagawa ng Presidential Communication Office

Community Campus Caravan, isinagawa ng Presidential Communication Office

Nagsasagawa ang Presidential Communications Office (PCO) ng Community Campus Caravan sa iba’t ibang probinsya upang imulat ang kamalayan sa mga estudyante tungkol sa paglaban sa fake news at disinformation.

Sinabi ni PCO Undersecretary Emerald Ridao na nais nilang maabot ang mas maraming estudyante sa Visayas at Mindanao area matapos itong makitang epektibo sa Metro Manila.

“Ito ang unang pagkakataon na sumakay kami sa campus caravan sa labas ng Metro Manila, na umaabot sa mas maraming kabataan. Napakahalaga ng kanilang tungkulin dahil kailangan nating buuin ang kanilang pang-unawa sa ligtas at etikal na mga kasanayan sa komunikasyon. Kapag naging mamamahayag sila, isasabuhay nila kung ano ang etikal at iuulat kung ano ang katotohanan,” sinabi ni Ridao sa PCO Community Caravan sa Eastern Visayas State University (EVSU).

Sinabi din niya na ang digital platform ay naging isang makabuluhang bahagi sa pang araw-araw na buhay at isang malaking mapagkukunan ng libangan, balita, at impormasyon. Gayunpaman, naging pinagmumulan din ito ng fake news.

Ayon kay Ridao, napakaaktibo ng mga kabataan sa social media, kaya kinakailangang turuan sila.

Ang dalawang araw na caravan sa Eastern Visayas State University main campus ay opisyal na binuksan noong Pebrero 19 bilang isa sa mga tampok ng 117th Founding Anniversary ng paaralan.

Sa Pebrero 22 naman gaganapin ng PCO ang caravan sa Leyte Normal University.

Naging kasama ng PCO sa naturang aktibidad ang Philippine News Agency, People’s Television Network, Radyo Pilipinas, Radyo Telebisyon Malacanang (RTVM), Philippine Information Agency, at Bureau of Communication Services.

Nakakuha rin ng pagkakataon ang mga estudyante na maranasan ang maging TV reporter, radio anchor, at magsalita sa podium na itinakda ng RTVM.

Ang ganitong uri ng aktibidad ng ating gobyerno ay malaking tulong sa mga kabataan upang mailabas ang kani-kanilang mga talento na maaari nilang gamitin sa hinaharap.

Panulat ni Griffin Rivers

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe